“Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga tao!”—Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla
Ano'ng say niyo mga sisses?
Here's an excerpt from Pep.Ph:
Ano naman ang stand niya sa proposal na tanggalin na ang pork barrel ng mga senador at kongresista?
Matatandaang nasangkot si Senator Bong sa kontrobersiya kaugnay ng pork barrel dahil sa paggamit daw nito ng pondo sa pekeng korporasyon.
“Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga tao!” natatawang reaksiyon ni Lani.
Parang mahirap yatang mangyari yun?
“E, anong ibibigay namin?” balik-tanong niya.
“Hindi naman puwede yung sa pinaghihirapan namin dahil sa personal naman namin yun, sa mga anak, sa mga pang-araw-araw na panggastos namin.
“Basta importante lang, may transparency.
“Basta ako, meron akong ulat sa bayan. Isinusulat ko dun yung mga ipinapagawa ko.
“Siyempre, hindi ko na ina-accounting kung magkano ang ibinigay ko sa patay. Nilalagay ko lang, financial assistance, then yung amount.
“Kapag tsinek naman ang record sa City Hall, alam naman, nandoon naman. Hindi naman ‘yan nalalagay sa maling pamamaraan.
“Kailangan lang talaga may transparency.”
Dagdag pa ni Lani, “Ano lang, kung merong kailangang imbestigahan, imbestigahan nilang lahat.
“Huwag silang mamili dahil kasama sa partido at hindi yung merong tina-target dahil may inaabangan sa 2016.”
Ang posibleng tinutukoy ni Lani ay ang pagiging mula sa opposition party nila ni Bong, at ang nababalitang pagtakbo ng asawang actor-politician sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.
READ FULL ARTICLE: Actress-politician Lani Mercado on proposal to scrap pork barrel: “Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga tao!
PHOTO: ph.omg.yahoo.com
0 Comments